-- Advertisements --
HHI New Corvette for the Philippine Navy 1170x610 1

Naharang ng Philippine Navy ang oil tanker na umano’y naglalaman ng mahigit P50 million halaga ng smuggled fuel.

Ito ay matapos na makatanggap ng alerto ang PH Navy mula sa Coast Guard District Palawan at agad na dineploy ang BRP Lolinato To-Ong kung saan doon namataan sa may Cabra Island sa Mindoro ang isang vessel na umano’y naglalaman ng hindi dokumentadong diesel.

Sinubukan pa ng oil tanker na tumakas subalit naharang din ito sa may Corregidor island.

Narekober mula sa oil tanker ang nasa 847,000 litro ng suspected smuggled oil na nagkakahalaga ng P50.8 million.

Tinurn-over na ang 11 crew na sakay ng oil tanker sa Bureau of Customs (BOC) at iniimbestigahan na.

Dahil sa ganitong uri ng iligal na aktibidad na pagpupuslit o misdeclared petroleum products, nawalan ang gobyerno ng P43.8 billion na tax revenues base sa isang pag-aaral ng Philippine oil industry noong 2018.