-- Advertisements --

Nasa pang-apat na puwesto ngayon ang Team Pilipinas (as of 4pm) sa medal standings kaugnay sa nagpapatuloy na 31st Southeast Asian Games (SEA Games) na ginaganap sa Hanoi, Vietnam.

Nangunguna pa rin sa medal tally ang host country Vietnam na meron ng pitong gold medals, nasa pangalawa ang Malaysia na may anim na gold medals, at Indonesia na may dalawa habang hindi pa pormal na nagbubukas ang biennial meet.

Ang kaisa isang gold medal ng Pilipinas ngayon ay nagmula kay Francine Padios mula sa larong Pencak Silat Women’s Seni (Artistic) Tunggal Single event.

Habang ang silver medal naman para sa Pilipinas ay napanalunan ng mag-tandem na rowers na sina Cris Nievarez at CJ Jasmin sa Rowing Lightweight Men’s Double Sculls.

Ang isa pang silver medal ay nasungkit naman nina Helen Aclopen Talongen sa Kurash Women’s 48kg.

Si Charmea Quelino ay nag-ambag din ng silver medal sa Kurash Women’s 52kg category.

Sa bronze medal naman ay nakuha ng Pilipinas sa Pencak Silat Men’s Seni Regu category sa pamamagitan nina Jefferson Loon, James Mayagma at Rick Ortega.

Ang Women’s Rowing Team nina Joanie Delgaco, Amelyn Pagulayan, Josephine Qua and Kristine Paraon ay nagbigay din ng bronze medal sa bansa sa Women’s Quadruple Sculls event.

Gayundin naman sina George Baclagan ay nakabigay ng bronze medalsa Kurash Men’s 90kg. event.

Maging si Renzo Miguel Cazeñas ay mag-uuwi rin ng bronze medal sa Kurash Men’s 81kg category.

Sa ngayon ang Kurash ay nakapagbulsa na ng apat na medal para sa Team Pilipinas.