Nanawagan ang trade chief sa mga kapwa trade ministers sa Southeast Asia na i-upgrade ang ASEAN Trade in Goods Agreement (ATIGA).
Binigyang-diin ni DTI Sec. Alfredo Pascual na ang pag-upgrade nito ay isang angkop na panahon upang matugunan ang mga isyu sa kalakalan sa loob ng ASEAN.
Binanggit ni Pascual na ang pag-update ng ASEAN Trade in Goods Agreement ay dapat tumugon sa mga matagal nang isyu sa pag-avail ng preferential market access sa loob ng rehiyon.
Dagdag ng DTI, inirerekomenda nito ang pagtatatag ng isang mekanismo upang tugunan ang napapanahong paglutas ng mga isyung ito sa kalakalan upang ganap na maisakatuparan ang mga benepisyo ng nasabing agreement at hikayatin ang mga stakeholder na gamitin ang kasunduan.
In-update din ni Pascual ang kanyang kapwa ASEAN trade ministers na ang gobyerno ng Pilipinas ay nananatiling nakatuon sa digitalize ng kalakalan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng National Single Window o TradeNet.
Ito ay isang plataporma para sa automated at integrated licensing, permitting, clearance, at certification system ng trade regulatory government agencies kaugnay sa ang pag-import at pag-export ng kalakalan ng mga regulated goods.
Una nang sinabi ni Pascual na ang Pilipinas ay nasa landas na ganap na mag-isyu at tumanggap ng electronic Certificate of Origin Form D na isang dokumentong nagpapatunay na ang mga kalakal sa isang partikular na kargamento ay ganap na nakuha, ginawa, o naproseso sa isang partikular na bansa.