-- Advertisements --
pcg patrol

Tinatalakay na ng gobyerno ng Pilipinas at India ang pagsusuplay ng 7 helicopters na gagamitin para sa rescue at humanitarian efforts ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), tinalakay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang alok kay Indian Ambassador Shambhu Kumaran sa kanilang pagpupulong sa Palasyo Malacanang noong nakalipas na linggo.

Ayon sa Pangulo, ang bagong helicopters ay malaking tulong para sa pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan para malinang ang kakayahan ng bansa pagdating sa rescue at humanitarian efforts.

Sa parte naman ng Indian envoy, sinabi nito na mayroong nagpapatuloy na pag-uusapsa pagitan ng mga opisyal ng gobyeno ng India, PCG at mother agency nito na Department of Transportation (DOTr) para sa suplay ng naturang m,ga asset para sa maritime search and rescue operations and humanitarian services ng ahensiya.

Aniya, ang mga gelicopters na ibibiogay sa PCG ay itinatag ng Indian Navy at Coast Guard na maaaring gamitin para sa active security operations at kayang magkarga ng mas maraming tao at load.