-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 04 14 56 19

Iginiit ni National Security Adviser Eduardo Año na may karapatan ang Pilipinas na magpatrolya sa Scarborough Shoal matapos akusahan ng China ang isang barko ng militar ng Pilipinas na “ilegal” na pumasok sa lugar.

Sa isang pahayag bilang reaksyon sa pag-aangkin ng militar ng China, sinabi ni Año na “overhyping” ng China ang insidente at nagdudulot ng tensyon sa Pilipinas.

Aniya, sa ilalim ng international law, ang Pilipinas ay may karapatan na magpatrolya sa lawak ng West Philippine Sea na kinakailangang kasama ang Bajo de Masinloc na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Nanawagan si Año sa China na kumilos nang responsable, sumunod sa mga internasyonal na batas, at itigil ang agresibo at iligal na pagkilos sa karagatan ng Pilipinas.

Hinihikayat ng opsiyal ang China na kumilos nang responsable, igalang ang UNCLOS at sumunod sa 2016 Arbitral Ruling.

Ang UNCLOS ay ang 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea, na itinuturing na konstitusyon ng karagatan.

Matatandaan na nagkaroon ng ilang komprontasyon ang China at Pilipinas sa West Ph Sea ukol sa mga ilegal na aktibidad sa pinagtatalunang karagatan.