Nasa humigit-kumulang 10 Marine reservist mula sa 12th Marine Battalion Reserve, Marine Brigade Reserve – Northern Luzon ang lumahok sa nagpapatuloy na Balikatan Exercises 2023 ngayon.
Ipinamalas ng naturang mga reservist ang kanilang kakayahan pagdating sa combined armed live fire exercises sa Col. Ernesto Ravina airbase, sa Capaz, Tarlac, at ground base air defense/air defense subject matter expert exchange na isinagawa naman sa naval station Leovigildo, Gantioqui, San Antonio, Zambales.
Layunin ng naturang pagsasanay ay inaasahang magpapalawak pa sa kamalayan pagdating sa mga estratehikong kahalagahan ng philippine rise sa ekonomiya at territorial security ng bansa.
Mamarkahan din nito ang paggunita sa ika-6 na taong anibersaryo ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine rise mula sa dating pangalan nito na benham rise sa bisa ng executive Order no. 25 na nilagdaan naman ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Mayo 16, 2017 na itinalaga naman bilang protected food supply exclusive zone na nagpapatupad ng pagbabawal sa pagmimina at oil exploration sa lugar.
Ang Philippine Rise ay iginawad sa bansa ay binigyan ng sovereign rights nh united nations convention of the law of the sea noong Abril.