-- Advertisements --
image 116

Inanunsiyo ng Department of Agriculture (DA) na maaari ng mag-export ang Pilipinas ng dried pili nuts sa 27 member states ng European union (EU).

Ito ay matapos na pumasa sa food safety at labeling requirements ng European Union ang naturang produkto at maibilang sa listahan ng “novel foods” na maaaring ibenta sa merkado ng EU.

Ayon sa DA ang pagbubukas ng market ng EU ay magbebenepisyo sa mga local pili processors at exporters sa bansa gayundin sa libu-libong magsasaka ng pili para magkaroon ang mga ito ng mas malaking kita mula sa higher-value commodities gaya ng pili.

Base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2021, ang Bicol region ang pangunahing producer ng pili sa bansa, kumakatawan ito ng 90 porsyento o katumbas ng 1,796.38 ektarya ng pili production area at 84 porsyneto o 4,932.60 metric tons ng total production volume.

Ang Amrika, United Kingdom, United Arab Emirates at Canada ang pangunahing export markets para sa pili nuts ng Pilipinas.

Inihayag ng DA na ang pag-export ng mga produkto ng bansa ay isa sa mga stratehiya upang mas maging matatag ang ekonomiya ng bansa laban sa adverse global shocks.