Inalerto ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon ang mga Pilipino na naroon dahil sa posibleng lalo pang pagtindi ng mga missile at drone attack.
Ito ay sa gitna ng 2-week ceasefire na pagitan ng tatlong pangunahing bansa na sangkot sa giyera – Israel, Iran, US.
Sa advisory na inilabas ng embahada, pinapayuhan ang mga oversease Filipino workers (OFW) sa naturang bansa na maging alerto at mag-ingat sa mga posibleng pag-atake, kasunod na rin ng anunsyo ng naturang bansa na posibleng magkakaroon ng mas matinding military operation sa susunod na 48 oras.
Payo ng embahada sa mga Pilipino, manatili muna sa mga itinalagang ligtas na shelter o bahay kanlungan at limitahan ang paglabas o pagtungo sa mga matataong lugar.
Pinapayuhan din ang mga ito na tiyaking fully-charge ang mga cellphone at lahat ng mga communication device na maaaring magamit.
Pinaghahanda rin ang mga ito ng sapat na supply na maaaring magtagal ng tatlong araw, tulad ng tubig, pagkain, damit, at mga gamot.
Dapat ding hawak ng mga ito ang kani-kanilang mga passport at iba pang mahahalagang dokumento.
Para sa mga Pinoy na nasa Lebanon, maaaring makipag-ugnayan sa mga sumusunod na numero:
Migrant Workers Office hotline: +96179110729 at +96171578996. (report by Bombo Jai)
















