-- Advertisements --

Umakyat na sa 9,684 ang bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa ngayong araw.

Batay sa case bulletin na inilabas ng Department of Health, may 199 na bagong nag-positibo sa sakit.

Mula sa mga bagong kaso, 173 daw ang galing sa National Capital Region; isa sa Central Visayas, at 25 ang mula sa iba’t-ibang lugar.

Mataas muli ang numero ng mga naitalang gumaling sa 93, kaya lumobo pa ang bilang ng total recoveries sa 1,408.

Habang 14 ang bagong namatay, na nagpaakyat naman sa total deaths na ngayon ay 637 na.