Nasungkit ng pambato ng Pilipinas na si Kelley Day ang Best National Costume award ng pageant na Miss Eco International.
Kulay pula, na modern take sa classic na Filipino terno ang suot ng Pinay beauty queen. Dinisenyo ito ng designer na si Louis Pangilinan.
“It was such an honor to wear this beautiful creation in the National Costume Competition of Miss Eco International,” ayon sa 25-year old Pinay candidate.
Higit 60 ang katunggali sa korona ni Kelley, na isa ring aktres dito sa Pilipinas.
Nagpasalamat siya sa kanyang team na nasa likod ng national costume.
“Winning ‘Best National Costume’ tonight just made me feel even more proud to be representing the Philippines. Thankful for all the hard work and creativity of the team that was behind this,” dagdag ni Kelley sa kanyang Instagram post.
Gaganapin ang coronation ng Miss Eco International sa Egypt, ngayong Easter Sunday. (Christian Yosores)