-- Advertisements --

Lagpas na sa kapasidad ng Philippine General Hospital (PGH) para sa mga COVID-19 patients.

Ayon kay Dr. Jonas del Rosario, tagapagsalita ng PGH, umabot na sa 137 COVID-19 patients ay kasalukuyang naka-admit sa kanila.

Lagpas na ito sa 130 beds na inilaan nila para sa COVID-19 cases.

Para maresolba ang problemang ito, binuksan ng PGH ang isa pang wing nito para sa mga nagpositibo sa naturang sakit.

Balak na rin ng ospital na ilipat ang mga COVID-19 patients na malapit nang maka-recover sa mga quarantine facilities o community centers upang sa gayon ay makatanggap sila ng mga panibagong kaso.