-- Advertisements --

Sinusuri na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan na umento sa pasahe ng ilang transport groups.


Sinabi ni LTFRB Executive Director Maria Kristina Cassion, inaalam ng ahensya ang mga dapat isa-alang alang, lalo’t may hirit na P10 at meron ding mas mataas.


Sa katunayan aniya, mayroon nang nakatakdang pagdinig tungkol sa nasabing isyu na isasagawa sa March 8.


Una na ring sinabi nG DTI na maaaring makaapekto sa paggalaw ng presyo ng krudo ang ginawang paglusob ng Russia sa Ukraine.


Matatandaang inihayag ng ilang driver at operators na hindi na nila kaya pa ang sunod-sunod na taas-presyo ng produktong petrolyo na sa ngayon ay nasa higit P60 kada litro.