-- Advertisements --
Pasok na sa round of 16 ng womens’ featherweight division ng First Olympic World Qualifier sa Busto Arzizio, Italy si Nesthy Petecio.
Ito ay matapos na talunin si Maria Claudia Nechita ng Romania.
Bagamat medyo malayo-layo pa ang daan ni Petecio para tuluyang makapasok sa Paris Olympics ay tiwala naman ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na mapagtatagumpayan nito ang lahat ng mga laban niya sa qualifiers.
Ayon kay ABAP executive director Marcus Manalo na kahit na mayroong dalawang Olympic quotas sa kaniyang weight class ay desidido si Petecio na talunin ang mga kalabang boksingero.
Susunod na makakaharap nito si Nancy Canan Tas ng Germany.