-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakda nang sampahan ng kaso ngayong umaga ang persons of interest hinggil sa pagkamatay ng mag-asawa na binaril pagkatapos dumalo sa pagdinig.
Kinilala ang mag-asawang sina Rodrigo at Verginilla Hilaga na binaril ng riding-in-tandem sa Lungsod ng Lala, Lanao de Norte kahapon.
Base sa salayasay ni Police Major Jonas Banas, hepe ng Lala Municipal Police Station, away sa lupa ang dahilan ng pagkamatay ng mga biktima.
Dead on the spot ang mag-asawa matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ulo at katawan.
Hindi muna pinangalanan ni Major Banas ang persons of interest na nasa kanilang kustodiya na.