-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Puspusan ang ginawang pagtugis ng pulisya laban sa ilang person of interest na umano’y sangkot pagpaslang ng mag-asawa kasama ang dalawa nitong menor de edad na mga anak at isang tiyahin sa Sitio Sumpong,Brgy Indahag,Cagayan de Oro City.

Kaugnay ito sa inisyal na resulta ng imbestigasyon ng pulisya na mayroong foul play ang pagkasawi ng mag-asawa na sina Melgene at Manilyn Galpo kung saan natuklasan na mayroong malaking pinsala ang mga ulo nito na tila pinagpukpok para mawalan ng lakas.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Police Maj. Joann Navarro na hindi pa kontento ang mga salarin kung saan pinatay rini nila ang 4 at 7 anyos na anak ng mag-asawa at tiyahin na si Maggie Epanes.

Natuklasan sa imbestigasyon na tila pinatay na ng mga suspek ang mga biktima bago sinunog ang simpleng bahay ng mga ito dahilan na kalunos-lunos ang kanilang kinahihitnan.

Una nang ipinag-utos ni City Mayor Rolando ‘Klarex’ Uy sa pulisya na hindi tigilan ang pagtugis sa mga tumakas na suspek hanggang mahuli habang binuo rin ng Bureau of Fire Protection-Cagayan de Oro ang task force para sa mabilisan na pagresolba ng pangyayari noong nakaraang gabi.