
Inutusan umano ng White House ang US defense officials na maghanda ng kanilang plano kung sakali man na ituloy ng Estados Unidos ang tinatangkang paghihiganti nito.
May kaugnayan pa rin ito sa di-umano’y pagpapasabog ng Iram sa mahalagang oil facilities ng Saudi Arabia na naging sanhi upang maparalisa ang oil production ng bansa at biglang pagtaas ng presyo ng krudo.
Base sa naglabasang impormasyon, ramdam daw ng Trump administration na pumapanig sa kanila ang pagkakataon habang binubuo nito ang kaso laban sa Iran.
Sa kabila nito, patuloy pa rin ang paghihintay ng US sa ilalabas na desisyon ng pinuno ng Saudi Arabia bago sila gumawa ng kahit anong hakbang.
Nakatakda naman na lumipad patungong Saudi Arabia si Secretary of State Mike Pompeo upang kumonsulta sa ilang lider ng naturang bansa.










