-- Advertisements --

Nababahala ang Pentagon sa kalagayan ng isang sundalo ng US na naaresto matapos na iligal na tumawid sa North Korea.

Sinabi ni Secretary of Defense Lloyd Austin na mahigpit nilang binabantayan at iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Naabisuhan na rin nila ang mga kaanak ni Private 2nd Class Travis King.

Inaalala nito na sa nasabing insidente ay maapektuhan ang mga sundalong nakatalaga sa South Korea.

Magugunitang ang sundalo ay nakatalaga sa South Korea at ito ay iligal na tumawid sa North Korea kaya ito ay inaresto doon.