-- Advertisements --

Binisita ni US House Speaker Nancy Pelosi at ang congressional delegation ang Demilitarized Zone sa South Korea.

Sinabi nito na isang prebelihiyo na makasalamuha ang mga sundalo ng US na nakatalaga sa Korea sa pamumuno ni General Paul LaCamera ang Commander ng US Forces Korea.

Iginiit nito na ang pagbisita nito sa South Korea ay para mapagtibay ang pagbuo ng seguridad at ang lalong pagiging malapit sa isa’t-isa ng mga bansa.

Magugunitang nagtungo sa South Korea si Pelosi matapos ang kontrobersiyal na biyahe nito sa Taiwan.