-- Advertisements --

Boluntaryo ng tinanggal ng local distributor ng US movie na “Plane”.

Kinumpirma ito ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairperson Lala Sotto ang nasabing hakbang ng local distributor.

Una kasing binatikos nina Senator Robin Padilla at Senate President Juan Miguel Zubiri ang nasabing pelikula dahil sa negatibong pagpapakita sa Jolo na pinapatakbo umano ng mga rebelde.

Mismo ang local distributors ang sumulat sa MTRCB ukol sa kanilang hakbang na pag-atras sa nasabing pelikula.