-- Advertisements --
Humakot ng award ang pelikulang “Oppenheimer” sa katatapos na 77th British Academy Film and Television Arts Awards o BAFTA.
Mayroong kabuuang pitong awards ito na nakamit kabilang na ang best film, best director para kay Christopher Nolan, Best Actor para sakay Cillian Murphy at best supporting actor para kay Robert Downey Jr.
Kumita ang nasabing pelikula ng mahigit $1- bilyon at naging big winner na ito sa Golden Globes at Critics Choice Awards.
Ito ang unang BAFTA award ni Murphy habang pangalawa na ito ni Downey na una ay noong 31 taon ang nakakalipas ng gumanap siya bilang Charlie Chaplin.