-- Advertisements --

Nagtala ng record ang pelikulang “Barbie” matapos kumita ng mahigit $155 milyon sa mga sinehan ng US at Canada.

Ayon sa distributor ng pelikula na Warner Bros. na ito na ang itinuturing na may pinakamalkaing opening ng 2023.

Pumangalawa naman ang pelikulang “Oppenheimer” na mayroong kabuuang kita na aabot sa $80. 5 milyon.

Ang “Barbie” na pinagbibidahan ni Margot Robbie ay tungkol sa sikat na manika na kilala mula pa noong 60 taon na ang nakakalipas.

Habang ang “Oppenheimer” na pinagbibidahan ni Cillian Murphy ay tungkol sa isang American scientist na si J. Robert Oppenheimer na siyang naka-imbento ng atomic bomb.

Ang nasabing pelikula ay inaasahang pambato sa mga paparating ng Academy Awards.