-- Advertisements --

Nominado sa 95th Academy Awards o Oscars ang pelikulang “On the Job: The Missing 8” na gawa ng director Erik Matti.

Kabilang ito sa Best International Feature.

Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan ng actor na si John Arcilla.

Ang nominasyon ay inanunsiyo mismo ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Directors Guild of the Philippines, Inc. (DGPI).

Nanalo na ang pelikula sa 78th Venice International Film Festival kung saan nagwagi si Aricilla ng Volpi Cup for Best Actor.

Dahil dito ay nakagawa si Arcilla ng kasaysayan bilang kauna-unahang Southeast Asian artist na nagwagi ng best actor award sa nasabing festival.

Patungkol ang pelikula sa isang journalist na kinukuwestiyon ang kaniyang loyalty sa isang pulitiko kahit na nawawala na ang walong mamamahayag.

Kasama rin sa pelikula si Dennis Trillo na gumanap bilang preso na kinukuhang hired killer.