-- Advertisements --
Napanatili ng Pilipinong boksingero na si Pedro Taduran ang kanyang IBF minimum weight championship matapos talunin ang pambato ng Mexico na si Daniel Valladares.
Nagpalitan ng suntok ang dalawa sa loob ng apat na rounds bago nagtamo ng sugat sa kanang mata ang Mexican boxer dahilan kung bakit kaagad tinapos ang laban na ginanap sa Gaudalupe, Mexico.
Base sa score cards, may 39-37 si Valladares, at 38-38, 38-38.
Ang majority decision draw na ito ay nangangahulugan na napanatili ng 23-anyos na si Taduran ang kanyang titulo.
Ito ang unang pagkakataon na nadipensahan ni Taduran ang kanyang titulo na napanalunan niya noong Setyembre 2019, nang talunin niya si Samuel Salva sa Taguig.