Umapela ng pagkakaisa sa kanilang mga miyembro ang PDP-Laban Cusi wing kasunod nang pag-atras nina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher “Bong” Go sa 2022 national elections.
Sa isang statement, sinabi ng Energy Secretary Alfonso Cusi na dapat pa rin nilang magkaisa lalo na ngayong palapit na nang palapit ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte.
Tiniyak naman ni Cusi na sa kabila ng pag-atras nina Pangulong Duterte at Go sa 2022 polls ay patuloy pa rin kanilang suporta sa mga polisiya at programa ng Duterte administration.
Ginagalang aniya nila ang naging desisyon ng dalawa sa kanilang mga party leaders.
Sinabi rin ni Cusi na proud ang partido nila sa accomplishments ni Pangulong Duterte sa harap ng pandemya.
Kaya nga mananatili pa ring dominant party aniya ang PDP-Laban dahil sa tagumpay ni Pangulong Duterte sa buong anim na taong panunungkulan nito sa bansa.