-- Advertisements --

Magpupulong ngayong araw ang mga opisyal ng PDP-Laban Cusi wing para i-evaluate ang kanilang magiging standardbearer para sa 2022 elections.

Ito ay matapos na maghain si Sen. Christopher “Bong” Go ng kanyang certificate of candidacy (COC) para tumakbo bilang bise presidente sa susunod na taon makalipas na magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang kanyang pagtanggap sa nominasyon para tumakbo sa ikalawang pinakamataas na posisyon sa bansa.

Mababatid na si Go ang siyang naunang presidential candidate na napili ng PDP-Laban Cusi faction.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, presidente ng paksyon, mayroon silang mga options sa ngayon sa kung sino ang kanilang magiging presidential bet.

Noong Setyembre, isang resolusyon ang pinagtibay ng kanilang paksyon, kung saan binibigyan si Duterte, ang kanilang chairman, nang awtoridad para punuan ang anumang bakanteng posisyon para sa 2022 polls.