Patuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng
Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bureau of Customs (BoC) kaugnay na din sa smuggling ng illegal drugs sa bansa.
Sinabi ni Director General Wilkins Villanueva na mayroon din umano silang joint operation na pinaplantsa kaya tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan niya kay BoC Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Sa ngayon, patulog umanong mino-monitor ng PDEA ang mga nasa likod ng patuloy na drug smuggling activities sa bansa.
Pero hindi na nagbigay si Villanueva ng karagdagang impormasyon kaugnay rito.
Noong Lunes ng gabi sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kay Guerrero na palakasin pa ang pagbabantay ng BoC dahil patuloy umano ang paglaganap ng droga sa bansa.
Una nang sinabi ni Villanueva na wala na umanong mga malalaking drug laboratories dito sa bansa at karaniwan namang galing ang mga iligal na droga sa ibayong dagat.