-- Advertisements --

Plano ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumili ng dagdag na mga body camera na gagamitin nila para kanilang anti-drugs operations.

Ayon kay PDEA Director General Virgillo Lazo, na plano nila na bawat isa nilang ahente ay magkaroon ng body camera.

Aminado ito na kulang ang kanilang mga body cameras dahil sa limitado lamang ang suplay nito kaya minsan ay nanghihiram na lamang sila.

Naniniwala ito na malaki ang tulong ng paggamit ng mga body camera para magkaroon ng transparency sa mga anti-drugs operations nila.