-- Advertisements --

Pinapaimbestigahan na ni Philippine Charity Sweepstake Office General Manager Melquiades Robles ang tatlong admin ng social media page nila matapos na pasukan sila ng hackers.

Sinabi nito na isa itong iminungkahi ng Department of Information Communication Technology na nag-imbestiga sa insidente.

Pagtitiyak niya na walang mahalagang datus na nakuha ang mga hackers.

Magugunitang pinasok ng hackers ang social media page ng ahensiya kung saan agad naman nila itong nakontrol.