-- Advertisements --
Naipasakamay na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Bureau of Treasury ang mahigit P2 bilyon na pondo para sa pamahalaan.
Pinangunahan ni PCSO General Manager Mel Robles ang pamimigay ng tseke kay Deputy Treasurer Erwin Sta. Ana.
Dagdag pa ni Robles na hindi sila napapagod at patuloy ang kanilang suporta sa mga kawani at opisyal ng PCSO para mapalaki ang kanilang kita na nakukuha mula sa mga lotto games.
Pagtitiyak nito na nagsusumikap sila para mapalaki ang kita para mas marami ang kanilang matulungan.