Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pitong mangingisda matapos tumaob ang kanilang bangka malapit sa Jintotolo Island sa Masbate.
Sa ulat ng mga awtoridad, inabot ng dalawang oras bago matapos ang isinagawang rescue operation.
Sinabi ng PCG na patungo sa Estancia, Iloilo ang mga mangingisda nang maharap ang kanilang bangka sa malakas na alon at hangin.
Napag-alaman sa pagsisiyasat na ang distressed boat ay nakipagsapalaran sa pangingisda ngunit dahil sa Bagyong Egay, nagpasya silang sumilong sa Jintutulo Island sa loob ng limang araw.
Dagdag dito, ang mga mangingisda ay wala din umanong dalang mga life jacket.
Una na rito, habang nasa gitna ng karagatan, nasira ang outrigger at pana ng fishing boat dahil sa malakas na hangin at malalaking alon, na naging sanhi ng paglubog sa kanilang bangkang pangisda.