Nagpasaklolo na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa International Oil Pollution Compensation Funds (IOPCF) para pabilisin ang efforts para sa paglilinis sa tumagas na langis sa may karagatan ng Naujan sa Oriental Mindoro.
Ayon sa PCG, ang tulong na magmumula sa International Oil Pollution Compensation Funds ay makakatulong para mapabilis pa ang pagkuha ng isang remotely-operated vehicles (ROVs).
Binubuo ang international fund ng dalawang intergovernmental organizations kabilang dito ang 1992 Fund at ang Supplementary Fund na magbibigay ng compensation para sa oil pollution damage na nagresulta dahil sa oil spill ng lumubog na motor tanker.
Ayon pa kay PCG Admiral Artemio Abu na humingi na rin sila ng tulong mula sa P&I London, isang grupo ng protection at indemnity insurance companies para sa mutual maritime insurance na kumakatawan sa global ship owners.