Inanunsyo ng Philippine Coast Guard na bukas na rin sila sa pagtanggap ng mga Filipino Nurses na gusto maging bahagi ng kanilang serbisyo.
Dahil dito, inilunsad ng Philippine Coast Guard ang Recruitment Program nito sa buong bansa para sa mga Filipino Nurses.
Partikular na kailangan ng Coast Guard Nursing Service ang Pinoy nurses na pasado sa Philippine Nurse Licensure Examination at nag-eedad 21 hanggang 28.
Dapat ay pasok rin ito sa kanilang standard height na at least 5’0”.
Mas mainam aniya kung single ito, Physically at mentally fit.
Sa mga nais maging bahagi ng Coast Guard Nursing Service, kailangan lamang ihatid ng personal ang kanilang mga dokumento sa Coast Guard Nursing Service na matatagpuan sa Coast Guard Base Taguig, #56 M.L. Quezon Street, New Lower Bicutan, Taguig City.