-- Advertisements --
Nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa gobyerno na dagdagan nila ang mga pumapasadang pampublikong sasakyan.
Bukod pa dito ay dapat payagan na rin ng gobyerno ng magkaroon ng 80% capacity ang mga pampasaherong sasakyan.
Kapag mangyari aniya ang mga ito ay magiging madali na lamang makabalik ang sigla ng ekonomiya.
Magugunitang maraming jeepney operators ang umalma dahil sa napigil ang kanilang pamamasada mula ng ipatupad ang lockdown.