-- Advertisements --

Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng kanyang administrasyon sa kapakanan at modernisasyon ng Philippine Navy sa pagdiriwang ng ika-128th anibersaryo ng hukbo ngayong araw. 

Binigyang-diin ng Pangulo ang mahalagang papel ng Navy sa pagtatanggol sa soberanya ng bansa, partikular sa West Philippine Sea, sa gitna ng lumalalang hamon sa seguridad sa rehiyon.

Ayon kay Marcos, patuloy na palalakasin ng pamahalaan ang kakayahan ng hukbong-dagat sa pamamagitan ng modernisasyon, pagsasanay ng mga tauhan, at pagpapalawak ng ugnayan sa mga kaalyadong bansa.

Tampok din sa pagdiriwang ang commissioning ng BRP Rajah Lakandula, isang bagong barko na inaasahang magpapalakas sa operasyon ng Navy para sa maritime security at territorial defense.

Pinasalamatan din ng Pangulo ang mga tauhan ng Philippine Navy sa kanilang dedikasyon at sakripisyo sa paglilingkod at pagprotekta sa bansa.