-- Advertisements --
image 501

Target ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad ng fishing ban at iba pang restriksiyon sa piling lugar lalo na sa breeding at propagation grounds ng mga isda.

Ito ay sa layuning matugunan ang overfishing o labis na paghuli ng isda kasabay ng pagpaparami ng populasyon ng mga ito at pagpapalakas ng aquaculture sa bansa.

Hindi naman binanggit ng Pangulo kung saang mga lugar posibleng ipatupad ang fishing ban.

Ayon pa sa Pangulo, may mga lugar na hindi dapat gawing palaisdaan dahil nakalaan lamang ang mga ito bilang breeding grounds ng mga isda.

Ipinunto din ni PBBM na ang pagpapaunlad sa agrikultura ng bansa ay hindi lamang nangangahulugan ng pagtiyak sa suplay ng bigas at mais kundi para sa pagpapabuti rin ng pangisdaan at livestock.

Inamin din ng Pangulo na nasa 30% ng huling isda ay bumaba o nasira kung kayat magtatayo ang pamahalaan ng karagdagan pang cold storage upang matugunan ito habang maglalagay naman ng pagawaan ng yelo sa mga maliliit na bagsakan.