-- Advertisements --

Bukas ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para sa mga bagong miyembro na nais sumapi at gustong tumulong sa pamahalaan.

Ito ang binigyang-diin ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ng tanungin ito hinggil sa kanilang partido.

Ayon sa Chief Executive welcome ang sinuman o alinmang partidong political na gustong tumulong sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na ang politika ay isang laro ng pagdaragdag o game of addition.

Kung sino aniya ang handang suportahan ang mga isinusulong na magagandang patakaran, at mga programa ng pamahalaan at handang sumuporta sa kanilang mga kandidato sa darating na midterm elections sa 2025 at national elections sa 2028 ay kanila itong tatanggapin.

Ang mahalaga aniya ay nasa likod ang mga ito ng mga pagsisikap ng gobyerno para mapahusay ang pagpapatakbo sa pamahalaan at mapaganda ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Binigyang-diin ng Chief Executive na hindi nila tinitingnan ang kulay ng politika.

Hangga’t handa aniya ang mga ito na tumulong ay walang dahilan para hindi sila isama sa partido.

Taong 2018 ng binuo ang Partido Federal ng Pilipinas ay isang national political party sa Pilipinas na pinamumunuan ni Pangulong Marcos.

Isinusulong ng partido ang federalism sa Philippines.

Nuong 2022 national election, ang PFP ay nagkaroon ng alyansa sa iba pang political party gaya ng UniTeam Alliance, Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago (HNP), at Partido ng Masang Pilipino (PMP).