DAVAO CITY – Personal na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang
“lowering of time capsule” bilang hudyat ng pagsisimula ng pagtatayo ng Samal Island – Davao City Bridge Connector Project na magkokonekta sa Isla ng Samal sa probinsya ng Davao del Norte at sa syudad ng Davao.
Dumala rin sa groundbreaking ceremony ang iilang national at regional officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT), Department of the Interior and Local Government (DILG) at Regional Development Council (RDC-XI).
Ang nasabing four-lane bridge project ang nagkakahalaga ng P23.04 billion kung saan may haba ito na 3.98 kilometers. Inaasahang makukumpleto ito sa taong 2027.
Sa kabilang banda, sinabi ni Adrian Tamayo, hepe ng Public Relations Division ng Mindanao Development Authority (MinDA) na labis ang kanilang kagalakan sa nasabing proyekto na isa umanong simbolo ng pagbabago tungo sa pag-unlad. Tinatanaw din na ang konstruksyon ng nasabing proyekto ang makakapaglikha ng nasa 96,000 na mga trabaho para sa mga Dabawenyo. (VC – ADRIAN TAMAYO – ). Ang pahayag ni Adrian Tamayo, hepe ng Public Relations Division ng Mindanao Development Authority (MinDA).
Dumalo rin sa groundbreaking ceremony sila DPWH Sec. Mauel Bonoan, Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, Department of National Defense Sec. Jose Faustino Jr, National Security Adviser Clarita Carlos, Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Vice President Sara Duterte
Pagkatapos ng SIDC groundbreaking activity, tutungo naman ang Pangulo sa DPWH covered court sa Panacan, Davao City upang ipamahagi ang iba’t-ibang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD-XI), Department of Labor and Employment (DOLE-XI) at Department of Agriculture (DA-XI).
Mamayang hapon naman ay bibisita ang Pangulong Marcos sa headquarters ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) ng Armed Forces of the Philippines sa Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City kung saan, personal naman nitong sasaksihan ang ceremonial declaration ng Davao Region bilang insurgency-free.