Kabilang sa mga magiging agenda ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang dalawang araw na state visit sa bansang Vietnam sa susunod na linggo ay ang pagtalakay sa isyu sa agricultural cooperation, trade, at ilang mahahalagang regional and international issues.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesperson Ma. Teresita Daza, kasama sa biyahye si First Lady Liza Marcos, economic team at ilang mga matataas na opisyal ng pamahalaan.
Inimbitahan si Pang. Marcos ni Vietnamese President Vo Van Thuong.
Ito ang unang biyahe ng Pangulo sa Vietnam simula ng umupo ito sa pwesto nuong 2022.
Makikipag pulong ang Pang. Marcos sa mga lider ng Vietnam gaya nina Vietnamese Prime Minister Pham Minch Chinh at Vietnamese National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue kung saan inaasahang tatalakayin ang pagpapalakas ng relasyon at pagpapalalim ng kooperasyon ng Pilipinas at Vietnam.
Nakatakda din makipag pulong ang Pangulo sa Filipino community sa Vietnam.
Mayruong 7,000 mga Filipino ang nagta trabaho at naninirahan sa Vietnam.
Samantala, inihayag naman ni Foreign Affairs Assistant Secretary Aileen Mendiola-Rau ng DFA Office of the Asian and Pacific Affairs (ASPAC) na magkakaroon ng malalimang pag-uusap ang Pangulo sa agricultural cooperation sa Vietnam.
Sinabi ni Rau na mahalaga ang nasabing state visit ng Pangulo para bigyang diin ang kahalagahan ng ASEAN centrality.
Ang Vietnam ang sole strategic partner ng Pilipinas sa ASEAN region.
Ibinahagi rin ni Rau na target ng Pilipinas at Vietnam na mapalawak ang mapalawak ang halaga ng kanilang bilateral trade sa $10 billion sa mga susunod na taon.