-- Advertisements --
image 216

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si Gil Tisado Torralba bilang Deputy Director General for Operations sa Bureau of Corrections (BuCor).

Sa isang pahayag, ang utos na may petsang Agosto 7 ay natanggap ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. mula sa opisina ni Justice Secretary Crispin Remulla.

Ikinatuwa ni Catapang ang pagkakatalaga kay Torralba, na dating police superintendent at provincial warden.

Aniya, tinitingnan ng nasabing kawanihan kung paano mas mapapabuti pa ang BuCor at ang appointment ni Torralba ay magbibigay umano ng malaking tulong upang mapamahalaan ito.

Sa ngayon, ay hindi pa inilalabas ang transmittal letter ng bagong talagang Deputy Director General for Operations sa Bureau of Corrections na si Gil Tisado.