Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagbuo ng crisis management committee na tututok sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Ito ang kinumpirma ni Palace Press Officer USec. Claire Castro kasunod ng nararanasang krisis sa Middle East na mayruong epekto sa Pilipinas.
Ibinunyag naman ni Castro na may hawak na siyang draft hinggil sa pagbuo ng Crisis Committee sa gitna ng mga nagaganap na development sa Gitnang Silangan.
Ayon kay Castro, bago pa may nagmungkahing bumuo ng crisis committee ay nag- utos na ang Pangulo na likhain ito.
Isinasapinal na aniya ito habang nangako naman si Castro na ilalabas niya ang detalye ukol dito sa sandaling ganap ng matapos ang nilalaman ng draft.
Sinabi ni Castro na sa mga susunod na araw posibleng ianunsiyo ito ng Palasyo at kung sino posibleng mamuno sa komite.
“ Pina-finalized pa lang po iyong dokumento. So, hindi ko po muna maibibigay iyong detalye, although I have the draft, pero saka na po natin, kapag po na-finalize na,” pahayag ni USec. Claire Castro.
















