Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na ginawa nito ang pinaka mahirap na tungkulin bilang Pangulo ng bansa.
ito ay sa pamamagitan ng pag tawag sa telepono at kausapin ang mga naulilang pamilya ng dalawang Pilipino na nasawi sa giyera sa Israel.
Sinabi ito ng pangulo sa kaniyang social media account.
Kalakip ng pahayag na ito ng pangulo ang isang larawan kung saan nakaharap siya isang laptop habang hawak sa kanang kamay ang isang celphone kung saan siya may kausap.
Kita sa mukha ng pangulo ang kalungkutan at bigat ng kalooban habang kausap ang pamilya ng dalawang ofw sa israel na kabilang sa mga pinatay ng hamas.
Ayon sa pangulo, nagluluksa at nakikidalamhati ang buong bansa sa mga naulilang mahal sa buhay ng dalawang Pilipino.
Siniguro naman ng Pangulo ang buong suporta sa pamilya ng dalawang biktima.
Nanindigan ang pangulo na ang trahedyang ito ay hindi magpapatigil sa pagsusumikap ng gobyerno ng pilipinas na manindigan para sa kapayapaan.