
Aprubado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapataas pa ng bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) sa may San Simon, Pampanga.
Ito ay upang maiwasan ang pagbaha sa tuwing mayroong bagyo at malalakas na pag-ulan.
May isang bahagi kasi ng NLEX na dumaan sa Viaduct sa Pampanga kamakailan ay nakaranas ng pagbaha kasunod ng pananalasa ng Bagyong Egay, Severe Tropical Storm Falcon, at Southwest Monsoon o Habagat.
Nagdulot din ang baha ng matinding traffic ng sasakyan sa lugar.
Sinabi din Punong ehekutibo na kanilang pagaaralan ang mga alternatibong ruta sa oras na simulan na ang pagsasaayos ng naturang expressway
Nakausap na rin ng Pangulo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) at pumayag ang mga ito na taasan ang naturang portion ng Tulaok Bridge sa .7 meters at mag-iiwan ng 4.5 meters para makadaan ang mga lehitimong truck.










