-- Advertisements --
Nagdesisyon nag PBA Board of Directors na sasagutin ng mga koponan ang mga gastusin kapag nagpositibo sa coronavirus ang kanilang manlalaro.
Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ang lahat ng mga gastusin ng mga manlalaro gaya ng hospital bill sasagutin dapat ng mga PBA team.
Gaya rin aniya kapag na-injured ang manlalaro ay karga ng mga koponan ang nasabing manlalaro.
Napagpasyahan rin ng liga ang pag-upgrade ng COVID-19 testing swab tests na gawin ito dapat kada 10 araw.
Umaasa naman si Marcial na sa Agosto ay tuluyan na silang makapagsimula ng mga laro.