-- Advertisements --
image 318

Inanunsyo ng Philippine Basketball Association(PBA) ang plano nitong pagdaragdag ng dalawang panibagong team na maglalaro sa liga.

Ayon kay PBA chairman Ricky Vargas, una nang nagbigay ng suporta ang PBA Board of Governors sa naturang plano.

Panahon na rin aniya upang paramihin pa ang membership sa ilalim ng PBA, lalo na at matagal na panahon na rin itong inihihirit ng mga fans at iba pang opisyal

Ang pagdadagdag ng dalawang iba pang team ay bahagi na rin aniya ng long-term plan ng PBA management.

Sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ng PBA kung mayroon nang mga applikante para sa panibagong team o kung kailan gaganapin ang expansion.

Huling nagdagdag ang PBA ng dalawang bagong prankisa noon pang 2014 kung saan pumasok ang Blackwater Elite na ngayon ay Blackwater Bossing at Kia Carnival na ngayon ay kilala na sa tawag na Terrafirma Dyip.