Nanguna si Brooklyn Nets free-agent addition Patty Mills gamit ang 42 para bitbitin ang Australia sa paglampaso sa Slovenia, 107-93.
Dahil dito nakatikim na rin ng Olympic bronze medal sa Tokyo ang Boomers sa unang pagkakataon sa 15 nitong appearance.
Ang score ni Mills ang ika-10 na pinakamarami sa Olimpiyada.
Nagawa namang sirain ng Aussie ang mga diskarte ng Mavericks superstar na si Luka Doncic na nagpasok ng 22 points, 8 rebounds at 7 assists.
Binulabog ng husto ng Australia ang mga diskarte ni Doncic kung saan pinagtulungan siyang depensahan nina Sixers Matisse Thybulle, Dante Exum at Mills.
Sa malas ni Doncic inalat tuloy siya 3-point area at nagkaroon pa ng walong turnovers.
Samanatala ang Utah Jazz forward na si Joe Ingles ay nagtala naman ng 16 points at siyam na rebounds para sa Australia.
Ito na ang ikalawang sunod na talo ng Slovenia matapos ang 17 sunod na panalo sa debut ni Doncic sa kanyang international career.