Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang patong-patong na kasong isinampa laban kina Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta at PAO forensics head Dr. Erwin Erfe.
Kabilang dito ang mga kasong katiwalian, falsification of public documents, malverstation of public funds, grave misconduct serious conduct prejudicial to the interest of the service
Sa 33 pahinang desisyon na pirmado ni Ombudsman Samuel Martires, ibinasura ang mga kasong administratibo at kriminal laban kina Acosta at Erfe dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Nag-ugat ito sa kasong isinampa ni Wilfredo Garrido, kaugnay ng pinalaki umanong gastusin para sa office supplies na nagamit sa isyu ng Dengvaxia vaccine.
Lumikha rin umano ito ng takot sa publiko ang isyu dahil naging laman ito ng social media.