-- Advertisements --
Pumalo na sa 25,105 na Palestino ang nasawi mula ng paigtingin ng Israel ang kanilang atake sa Gaza.
Ayon sa Hamas-controlled Ministry of Health na sa loob ng 24 na oras ay mayroong 178 katao ang nasawi at 293 ang nasugatan.
Sa kabuuan ay mayroon ding 62,681 ang sugatan sa nasabing labanan mula pa noong Oktubre 7.
Umabot naman sa 195 na mga sundalo ng Israel mula ng magsimula ang labanan nila ng Hamas.









