-- Advertisements --

Umabot na sa 124 katao ang nasawi dahil sa matinding tag-lamig sa Afghanistan.

Ayon sa mga opisyal ng Taliban, na aabot na rin sa 70,000 na mga livestocks ang nasira ng pinakamalamig na winter sa dekada.

Sinabi ni Acting Minister of Disaster Management Mullah Mohammad Abbas Akhund na nahirapan silang magsagawa ng rescue sa dahil hindi makalapag ang kanilang rescue helicopters.

Karamihan sa mga nasawi ay mga magsasaka at yung naninirahan sa mga malalayong lugar.

Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga masasawi bunsod ng malamig na klima.