-- Advertisements --

Umakyat na sa 5,436 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Pinakamalaki ang nadagdag sa mga nasawi sa Italy na may 250, habang 85 sa Iran at 47 naman sa Spain.

Ang bilang naman ng mga infected ng COVID ay pumapalo na sa 145,634.

Sa nasabing bilang ay 61,587 (91%) ang nasa mild condition, habang 6,082 (9%) naman ang nasa serious o critical condition.

Samantala, 72,529 naman ang naka-recover matapos ang gamutan at quarantine na ipinatupad.