-- Advertisements --

Magsisilbi ng ospital para sa mga severe COVID-19 cases ang Pasig City Childrens’ Hospital (PCCH) matapos ang partnership ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa private institution na The Medical City.

Ayon kay TMC chief executive officer Dr. Eugenio Jose Ramos, may 63-bed capacity ang nabanggit na ospital para i-accommodate ang mga may mild to moderate symptoms ng sakit.

Mayroon din daw ang ospital na espasyo para sa 12 intensive care units, at anim na ventilator.

Ang kanila namang pasilidad na The Medical City ang siyang magiging “acute care center” para sa mga severe cases.

Sa ngayon ang nakikita lang daw na adjustment ni Dr. Ramos ay ang paglilipat ng pediatrics staff sa ibang ospital na may non-COVID cases.

Habang ang mga adult medical doctor frontliners ng ibang ospital sa Pasig ang hihikayatin na mag-mando ng operasyon ng PCCH bilang COVID-19 hospital.

Ang 26 na natitirang staff ng naturang public hospital ay isasailalim sa training.

Nagpasalamat ang pamunuan ng The Medical City kay Mayor Vico Sotto na siya umanong nag-alok ng ospital matapos nilang makipag-coordinate.

Ilang motel na rin daw sa lungsod ang nakausap ng alkalde para ma-convert muna bilang quarantine facility.